Saturday, July 11, 2009

LIBRE KA BA SA JULY 18? PUNTA NA SA CUBAO X.


may free concert ang the wuds, itchyworms, pedicab, ciudad, markus highway, purplechickens at marami pang ibang banda sa cubao x sa july 18.

beneficiary ang ISANG BATA (www.isangbata.blogspot.com) ng concert na ito. pero dahil libre nga yung concert, magsesetup lang kami ng donation box para sa mga damit, laruan, mga libro at iba pang mga donasyon na gusto ninyong ibigay sa mga batang mahihirap ng Maynila. pwede ring magbigay ng cash.

may isesetup din kaming mini photo exhibit mula sa proyekto noong july 10 sa sikatvill muntinlupa. ito ay ang back to school project ng ISANG BATA kung saan may 140 bata ang nabigyan ng mga gamit sa eskuwelahan.

inaanyayahan po namin kayong pumunta sa concert at magdala ng donations. o kung gusto naman ninyong maging parte ng aming maliit na grupo, pwede rin kayong mag signup sa gabing iyon bilang volunteer. imbitahan din sana ninyo ang inyong mga contacts at kaibigan na dumaan sa cubao sa july 18. MARAMING SALAMAT!

No comments:

Post a Comment